untitled
viviti
ADVICE TO MEMBERS

Para sa karagdagang impormasyon mag-email po kayo. Maraming Salamat po!

Paalaala sa mga Miyembro

Bilang miyembro, ikaw ay kabilang at nararapat na dumalo sa bawat karaniwang Gawain hangga’t maaari. Alalahanin mo na walang makapapalit sa iyong lugar at ang gawain ay magiging ganoon kaantala kung wala ang iyong pagdalo.

Magpakita ng pagmamahal at pakikipag-isa sa bawat isa nang walang pagtatangi. Huwag maghintay sa iba na batiin ka kundi batiin mo sila.

Magpakita ng natatanging paggalang sa mga panauhin na maaring dumalo sa isa sa mga gawain ninyo.

Bilang isang alituntunin, makibahagi sa pag-aawitan.

Maging handa sa panalangin kapag tinawag o inudyukan ng Espiritu Santo.

Maging handa sa pagpapatotoo kung ito ay nasa ayos.

Tumulong sa iyong pastor o nahirang na pininuo sa paraang iyong makakaya.

Laging manalangin ng tahimik para sa mangangaral habang ipinahahayag niya ang mensahe. Laging mamuhay ng may kabanalan sa tahanan at sa labas upang walang sinumang makapag isip o makapagsabi na ikaw ay mapagpaimbabaw.

Bantayan ang inyong usapan. Mag-ingat sa sinasabi tungkol sa kapatiran o sa kanino man.

Huwag maging mapagpula at mapaghanap ng bagay na maipipintas sa iba.

Suriing paminsan-minsan ang iyong sarili at tingnan kung ikaw ay nasa pananampalataya.

Huwag sumuko sa panghihina ng loob o sa kawalang pag-asa.

Maging matuwain at masayahin at sikaping gawing ganito rin ang iba.

Mag-ukol ng maraming oras sa lihim na panalangin hangga’t maaari. Hangga’t magagawa sa sarili ay magkaroon ng tagapamagitang panalangin. Ang araw-araw na panalangin at pag-aaral ng salita ng Diyos ay kailangan at napakahalaga para sa espiritual na kapakanan ng bawat anak ng Diyos; dahil dito, ang bawat isa ay hinihimok na manatiling tapat hangga’t maaari sa pangmag-anak na pagsamba sa tahanan minsan sa isang araw.

Ang iyong damit ay dapat na may kainaman, malinis at maayos, at hindi upang ipagpasikat. Sa kainaman ay kasama ang pagbabayad ng kainamang halaga ng damit, pagsusuot ng kainamang taas ng leeg ng damit, sapat na haba ng laylayan, kainamang haba ng manggas. Ang pagsusuot ng lubhang manipis na damit ay hindi dapat sa isang banal at ang pagsusuot ng shorts sa publiko ay hindi dapat gawin. Ang mga miyembro ay hindi dapat na magsuot ng anumang uri ng alahas sa sarili o sa damit. Ang pampapula ng mukhan, lipstik, kyutiks, at lubhang mamahaling pabango ay ginagamit upang bigyang kasiyahan ang pagmamataas sa buhay at dahil dito ang mga ito ay hindi dapat na magkaroon ng puwang sa buhay ng mga nagmamahal sa Diyos. Kung maaari ay laging basahin at pag-aralan ang mga kasulatang ito: 1 Pedro 3:3,4; 1 Timoteo 2:9,10 at 1 Juan 2:15-17.

Hindi mo dapat hayaan ang iyong sarili na madaya ng mga makamundong pang-akit. Sinasabi sa Bibliya, “ni bigyan-daan ang diyablo”. Ang hindi pagbibigay pansin sa mga makamundong libangan tulad ng mga propesyonal na palarong bola, karera ng kabayo, sinehan, bolingan at magpunta sa languyan na ang mga lalake at babae ay magkasama sa isang paliguan ay nagbibigay ng daan sa diyablo sa iyong buhay.

Laging mag-ikapu ng iyong kinikita at ilagay sa ingatang-yaman ng iglesya. Magbigay ng taos pusong kaloob maliban sa iyong ikapu.

Ang mga miyembrong kabataan ay hindi dapat sumama o pakisamahan ng lubos ang mga makamundong taga labas.

Dahilan sa dumaraming bilang ng mga nasirang tahanan, paghihiwalay, at pag-aasawang muli kailangan ang malaking pag-iingat na may puno ng panalangin at pagsasaalang-alang sa binabalak na pag-aasawa.

Ang isang miyembro na buhay ang asawa ay hindi dapat sumama o mag-asawa sa iba sa anumang pangyayari kahit na hiwalay. Ni mag-asawa ang isang miyembro sa kaninuman na may kinakasamang buhay kahit na siya’y hiwalay.

Ang mga anak ay mana sa Diyos. Katungkulan ng mga may anak na turuan sila hangga’t bata pa na gumalang sa bahay ng Diyos. Ito ay magagawa sa pagbibigay ng mabuting halimbawa sa kanila at pagtuturo sa kanila ng may mabuting espiritu upang magkaroon sila ng may matinding pagnanasa na maglingkod sa Panginoon.

Ang mga ministro ay dapat na maging halimbawa sa kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng makatuwirang pagbabawal sa kanilang mga anak sa lahat ng oras at sa pamamagitan ng pagpigil sa kanila na magtakbuhan sa bahay ng Diyos lalo na kung ang gawain ay nagpapatuloy.

Ang “Evening Light” ay napakahalagang bahagi ng Iglesya ng Diyos. Ito ay dapat palagiang basahin ng bawat miyembro. Ang iyong interes sa pag-aanunsiyo ng Iglesya ay dapat na maging malaki na kapag natapos mong basahin ang iyong kopya ay ipahiram sa iba. Ang bawat miyembro at ministro ay hinihingi na maging masikap na manggawa para sa babasahin ng Iglesya—ang “Evening Light”

Ito ang huling mga araw at ang mapanganib na oras ay sumapit na. Kailangan nito ang higit na pagbabantay at panalangin upang mabuhay at kumilos ka ng hindi nagbibigay ng kahihiyan sa mahalagang pangalan ni Hesus at ng Kaniyang Iglesya na labis mong minamahal.

Huwag maging lubhang malapit ang babae sa lalake at lalake sa babae kahit na sila’y magkakapatid sa Panginoon. Huwag magbigay ng daan sa kaaway. Umiwas sa anyo ng masama.

Ang mabubuting mga tagulin at paalaalang ito ay binigay ng mga nagbabantay sa iyong kaluluwa sapagkat sila ang magsusulit (Hebreo 13:17) at ito’y inaasahan na tatanggapin ng may mababang-loob at masunuring espiritu na tulad ng pagkabigay nito.

Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com