untitled
viviti
SPIRITUAL HELP

Para sa karagdagang impormasyon mag-email po kayo. Maraming Salamat po!

Spirituwal na Tulong

Ang Lahat ay Nagkasala

“…Kung paano na sa pamamagitan ng isang tao [Adan] ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Roma 5:12). “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios” (Roma 3:23).

Nang si Adan ay nagkasala, ang mapayapang relasyon ng tao sa Diyos ay nasira, at ang bawat kaluluwa na naipanganak sa mundo ay kinakailangan na maipagkasundo muli sa Diyos. Ang Diyos ay naglaan ng isang tagapagligtas.

Ang Lahat ay Maaaring Maligtas

Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin”  (1 Corinto 15:22). ”Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan”  (1 Timoteo 2:3-4). “Ang Panginoon … na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi“ (2 Pedro 3:9).

Dahil ang lahat ay nagkasala at nagmana nang walang hanggang kamatayan, ngunit ang lahat ay maliligtas at magmamana ng buhay na walang hanggan, kinakailangan lamang na ang lahat ay malaman kung papaano ang maligtas.

Paano ang Maligtas

Pakinggan at Manampalataya sa Ebanghelyo:

Ang ebanghelyo ay mabuting balita ng Diyos na Siya ay nagbigay sa atin ng isang Tagapagligtas upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Kapag nadinig natin itong mabuting balita, kailangan paniwalaan natin -- tanggapin ito bilang katotohanan sa pamamagitan ng pananampalataya. “… napasa Galilea si Jesus… na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio” (Marcos 1:14, 15). Pagnadinig natin at manampalataya sa ebanghelyo, madadama natin ang pagpapatunay sa  pagkakasala, isang damdaming kalumbayang mula sa Diyos dahil sa kasalanan na nagawa na laban sa isang nagmamahal sa atin.

Magsisi:

Ang kalumbayang mula sa Diyos ng pagpapatunay sa pagkakasala ay naguudyok sa atin na magsisi at talikuran ang ating mga kasalanan at ang ating mga makasalanang gawa sa ating buhay. "Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot …:” (2 Corinto 7:10). “Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa” (Mga Awit 34:18).

Tanggapin ang Pagpapatawad ng Diyos – Pagkaaring-ganap sa Pamamagitan ng Pananampalataya:

Ang Salita ng Diyos ay tinitiyak ang isang nagsising kaluluwa ng kaniyang kapatawaran. Ito ang Kaniyang Espiritu na sumasaksi sa ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos (Roma 8:16). Siya ang nararapat tumaggap ng ating pasasalamat at papuri.  “Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan: (Colosas 1:12-14). “Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Roma 5:1). Tumatayo tayo sa harapan Niya na pinatawad at tinaggap – “Parang katulad ng isang hindi nagkasala!" "Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa” (Hebreo 8:12). Agad-agad matapos ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, ang Diyos ay magsisimula ng Kaniyang gawa ng pagbabagong lahi sa kaloob-looban ng tao sa puso. Ito ay isang pagbabago na kung saan ang inaring ganap na mananampalataya ay lumipat na mula sa kamatayan tungo sa espirituwal na buhay. Siya ay ipinanganak na muli sa kaharian ng Diyos -- isang bagong nilalang kay Cristo (2 Corinto 5:17).

Ipahayag si Cristo ng Walang Takot:

Kinakailangan ni Jesus na ipahayag Siya sa harap ng mga tao ng hindi nahihiya: “Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 10:32-33). “Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel” (Marcos 8:38). “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya (Roma 1:16).

Mabautismuhan sa Tubig:

Ito ay isang gawa ng pagsunod sa kautusan ni Cristo, at isang patotoo sa mundo na ating itinalaga ang ating buhay sa Kanya at mamumuhay na may pagpapasakop sa Kaniyang kalooban. Sinabi ni Jesus: "...  Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:15-16). "Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo” (1 Pedro 3:21). Ginamit ni Pedro na kahalintulad ito sa arko sa panahon ni Noah. Kung si Noah at ang kaniyang pamilya ay hindi sumunod sa Diyos at pumasok sa arko, sila ay hindi maliligtas mula sa baha. Ang arko ay hindi tahasang pamaraan ng kanilang kaligtasan, ngunit ang Diyos ay tumingin sa kanilang pagsunod. Ang bautismo ay isang paglibing, paglubog, hindi pagwiwisik o pagbuhols. Ang kamatayan ni Cristo at paglibing ay siyang ipinapahayag sa bautismo sa tubig: “Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay” (Roma 6:4).

zwani.com myspace graphic comments

Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com