untitled
viviti
29 PROMINENT TEACHINGS

zwani.com myspace graphic comments

e-Sword Home

Mahahalagang Katotohanan sa Bibliya

Ang mga mahalagang puntos na ito na turo sa Bagong Tipan ay ilan sa pangunahing mga turo ng Iglesya ng Dios. Hindi lahat ng samahang iglesyang Kristiyano ay itinuturo itong mga puntos ng turo na magkatulad na paraan. Ang Iglesya ng Dios ay tinatanggap ang boong Bibliya na gumagamit ng matuwid at hinahawakan itong mga sagradong mga katotohanan na sa kanila’y naipahayag sa mga Kasulatan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang lahat ng magiging mga kasapi ng Iglesya ng Dios ay dapat tanggapin ang sumusunod na tipan na may pagsang-ayon: “Taos puso mo bang ipinapangako sa harap ng Dios at sa mga saksing ito na iyong tinatanggap itong Bibliya bilang Salita ng Dios—paniniwalaan at isasagawa ang mga aral nito na tamang pinaliliwanag—ang Bagong Tipan bilang tuntunin ng iyong pananampalataya at paggawa, pamahalaan at disiplina, at lumakad sa liwanag sa abot ng iyong kaalaman at kakayahan?” Ito ay isang “walang hanggang tipan na hindi malilimutan.”


PAGSISISI
Ang pagsisisi ay gawa ng pagbabalik mula roon at pagtalikod sa kasalanan. Basahin Marcos 1:15; Lucas 13:3; Mga Gawa 3:19.

IKAAARING GANAP

Ang ikaaaring ganap ay isang kalagayan at isang gawa. Ito ay ang kalagayan ng pagiging walang saysay ng paglabag patungo sa Dios sa pamamagitan ng gawa ng pagpapatawad ng Dios ng mga pagsalangsang para sa isang nagsisi. Tingnan Mga taga Roma 5:1-9; Tito 3:7

PAGBABAGONG LAHI

Ang pagbabagong buhay ay isang gawa ng Dios na ginawa sa pusong inaring ganap upang mabago, ang espirituwal na buhay ay binuhay na muli. Tingnan Tito 3:5. Ang Pagbabagong Lahi ay magkasabay na kasama ang ipinanganak na muli. Tingnan din Mateo 19:28.


MULING KAPANGANAKAN
Ang pagiging ipinanganak na muli ay ang maging bagong nilalang kay Cristo at isang anak ng Dios. Itong bagong kapanganakan ay ang bunga ng pagsisisi, ikaaaring ganap at pagbabagong buhay at sinasamahan sa pamamagitan ng isang tiyak na panloob na patunay. Tingnan Juan 3:3; 1 Pedro 1:23; 1 Juan 3:9. Ang bagong kapanganakan ay isang unang kailangan para sa karanasan ng pagpapakabanal.

PAGPAPAKABANAL
Ang pagpapakabanal ay ang pangalawang tiyak na gawa ng biyaya, isang dagliang gawa na gawa sa binagong puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na kasama ang dugo ni Cristo. Sa pagbabagong buhay ang mga pagsalang sang ay pinatawad. Subalit sa pagpapakabanal ang kalikasang maka-Adan, o likas na kasalanan, ay pinuksa. Ang pagpapakabanal ay isinasauli ang tao sa kalagayang banal ni Adan bago ang pagkahulog, at ibinibigay sa kaniya ang biyaya ng mamuhay sa isang buhay na may kabanalan, gayong ginagawa siyang karapat-dapat upang panahanan ng Espiritu Santo. Ang pagpapakabanal ay sumusunod sa ikaaaring ganap. Tingnan Roma 5:2; 1 Corinto 1:30; 1 Tesalonica 4:3; Hebreo 13:12; 1 Juan 1:9.

KABANALAN
Ang kabanalan ay kalagayan ng pagiging malaya mula sa kasalanan, isang kalagayang nagaganap sa pagitan ng pagiging banal na karanasan. Kinakailangan ng Dios na ang tao ay mamuhay na walang kasalanan sa kasalukuyang sanlibutang ito at maglaan ng paraan sa pamamagitan ng tumigis na dugo ni Cristo. Tingnan Lucas 1:74, 75; 1 Tesalonica 4:7; Hebreo 12:14.

BAUTISMO SA TUBIG
Ang bautismo sa tubig ay ang gawa ng paglubog sa tubig ayon sa mga turo ni Cristo. Gayunpaman ang kautusang ito ay walang kapangyarihang maghugas ng kasalanan, na kumakatawan sa kamatayan, paglilibing at muling pagkabuhay ni Cristo. Doon lamang sa mga naipanganak nang muli ang mga karapat dapat na mabautismuhan sa tubig. Tingnan Mateo 28:19; Marcos 1:8-10; Juan 3:22, 23; Mga Gawa 8:12, 36-38; 10:47, 48; 16:33.

BAUTISMO SA ESPIRITU SANTO
Ang pagbautismo sa Espiritu Santo na kasunod sa pagpapakabanal ay ang pagkakaloob ng kapangyarihan sa gawain. Ang bautismong ito ay laging sinasamahan sa pamamagitan ng katunayan ng pagsasalita ng ibang mga wika na ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng bibigkasin. Ito ay paglalagay sa templo na tapos nang nilinis sa pamamagitan ng pagpapakabanal at isang handog ng Dios sa kasagutan na panalangin ni Cristo. Basahin Mateo 3:11; Lucas 24:49-53; Mga Gawa 1:4-8.

PAGSASALITA NG MGA WIKA
Ang pagsasalita ng mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu ay ang una, pisikal na katibayan ng bautismo sa Espiritu Santo. Ito ay hiwalay at di-kauri mula sa kaloob ng mga wika, na ito’y isa sa siyam na mga kaloob ng Espiritu. Juan 15:26. Basahin din Mga Gawa 2:4; 10:44-46; 19:6.

GANAP NA PANUNUMBALIK NG MGA KALOOB  SA IGLESYA
Ang mga kaloob ng Espiritu ay inilagay sa Iglesya upang pangasiwaan ng Espritu ayon sa kalooban ng Dios. Sila ay mga nahahayag sa pamamagitan ng bawat isa na mga kasapi. Ang mga kaloob ay ibinigay sa Iglesya at hindi sa bawat isa. Ang mga kaloob na ito ay kumikilos sa lahat sa sinaunang Iglesya at pinanumbalik sa Iglesya sa mga huling araw na ito. Tingnan 1 Corinto 12:1, 7-10, 31; 1 Corinto 14:1.

MGA TANDANG LALAKIP SA MGA MANANAMPALATAYA
Kahima-himalang mga tanda ang sasama sa gawa at ministeryo ng mga tunay na mananampalataya. Tingnan Marcos 16:17-20; Roma 15:18, 19; Hebreo 2:4.

BUNGA NG ESPIRITU

Ang buhay na puno ng Espiritu ay ihahayag ang bunga ng Espiritu na ito ay pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang loob, kabutihan, pananampalataya, kaamuan, at pagpipigil. Ang mga kaugaling ito ay mga makalangit sa simula at lumukso mula sa isang pusong puno ng Espiritu. Tingnan Roma 6:22; Galacia 5:22, 23; Efeso 5:9; Filipos 1:11.

BANAL NA PAGPAPAGALING

Ang sakripisyo ni Cristo ay hindi lamang nagbibigay ng kaligtasan sa mga kaluluwa ng mga tao subalit para rin sa kagalingan ng pisikal na mga karamdaman ng tao. Ang banal na pagpapagaling ay pagpapagaling na tapos na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios at magagamit sa lahat ng maniniwala, katulad sa kaligtasan. Basahin Awit 103:3; Isaias 53:4, 5;  2:24. 

ANG HAPUNAN NG PANGINOON
Ang hapunan ng Panginoon ay itinatag ni Cristo at ito ay isang banal na kautusan na iniutos na ganapin sa pagalaala kay Cristo at sa kaniyang kamatayan. Ang walang kasalanan lamang at mga Kristiyanong naghandog ang mga karapat-dapat na makasalo sa hapunang ito. Tingnan Lucas 22:17-20; 1 Corinto 11:23-33.         

PAGHUHUGAS SA MGA PAA NG MGA BANAL
Ang paghuhugas ng mga paa ay itinatag ni Jesus noong gabi ng huling hapunan at ito’y isang kautusan sa Bagong Tipan na iniutos sa atin na ganapin. Ang pagtupad na ito ay itinuro sa pamamagitan ng mga apostol at isinagawa sa pamamagitan ng sinaunang Iglesya. Tingnan Juan 13:4-17; 1 Timoteo 5:10. 
         
PAG-IIKAPU AT PAGBIBIGAY
Ang pag-iikapu ay ang pagbabayad ng ikasampung bahagi ng ating kinita sa ingatang yaman ng Iglesya. Ito ay nagpasimula kay Abraham, nagpatuloy sa ilalim ng kautusan at tumanggap ng pagsangayon ni Cristo.

Ang pagbibigay ay magkaiba at sa karagdagan sa pag-iikapu. Parehong mga bahagi ng plano ng Dios sa pananalapi para sa kaniyang gawain dito sa mundo. Basahin Genesis 14:18-20; 28:20-22; Malakias 3:10; Mateo 23:23; Lucas 11:42; 1 Corinto 16:2; 2 Corinto 9:6-9; Hebreo 7:1-21.


ANG PAGSASAULI HANGGANG MAAARI
Ang pagsasauli ay ang pagbabalik ng anomang bagay na kinuha sa masamang paraan o ang pagbabayad sa ginawan ng masama. Iniuutos ng Dios sa mga nagbalik loob na gawin ito hangga’t maaari. Tingnan Mateo 3:8; Lucas 19:8, 9; Roma 13:8.

ANG PANGALAWANG PAGDATING NI JESUS BAGO MAGSANLIBONG TAON

Una, upang buhayin ang mga banal na namatay at kunin ang mga banal na buhay upang salubungin siya sa hangin. Basahin Mateo 24:27, 28; 1 Corinto 15:51, 52; 1 Tesalonica 4:15-17. Pangalawa, upang maghari sa lupa ng isang libong taon. Basahin din Zacarias 14: 4, 5; Lucas 1:32; 1 Tesalonica 4:14; 2 Tesalonica 1:7-10; Judas 14, 15; Pahayag 5:10; 19:11-21; 20:4-6.


ANG MULING PAGKABUHAY
Lahat ng mga patay ay muling bubuhayin. Ang matuwid na namatay ay muling bubuhayin sa muling pagkabuhay sa pagpapakita ni Cristo. Ang muling pagkabuhay ng mga makasalanang namatay ay magaganap pagkatapos ng isang libong taong paghahari ni Cristo sa lupa. Tingnan Isaias 26:19; Daniel 12:2; Juan 5:28, 29; Gawa 24:15; Pahayag 20:5, 6.

BUHAY NA WALANG HANGGAN PARA SA MATUWID

Ang mga namatay sa Panginoon at sa mga naglilingkod sa Kaniya sa muli Niyang pagbabalik ay tatanggap ng isang gantimpalang buhay na walang hanggan. Basahin Mateo 25:46; Lucas 18:30; Juan 10:28; Roma 6:22; 1 Juan 5:11-13.


WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN PARA SA MAKASALANAN
Ang hindi nagbalik loob at ang makasalanan ang mga hahantong sa walang hanggang kaparusahan, na doon ay hindi makatatakas—walang pagpapalaya o pagpuksa. Tingnan Mateo 25:41-46; Marcos 3:29; 2 Tesalonica 1:8, 9; Pahayag 20:10-15; 21:8.

LUBOS NA PAG-IWAS SA LAHAT NG ALAK O INUMING MATATAPANG

Ang Bibliya ay malinaw na ipinagbabawal ang paggamit ng nakalalasing na mga inumin. Kahit na kaunting pagtikim ay hindi pag-iingat sa pamantayan ng kasulatan ng kabanalan. Basahin Kawikaan 20:1; 23:29-32; Isaias 28:7; 1 Corinto 5:11; 6:10; Galacia 5:21.


LABAN SA PAGGAMIT NG ANOMANG URI NG TABAKO, OPYO, MORPINA, AT IBA PA
Ang paggamit ng tabako at ang kinagawiang paggamit ng mga narkotiko ay mga makasalanang pagsasanay na nakapagpaparumi sa katawan, ang templo ng Espiritu, at isang panlabas na katibayan ng isang maruming puso. Tingnan Isaias 55:2; 1 Corinto 10:31, 32; 1 Corinto 7:1; Efeso 5:3-8; Santiago 1:21.

SA MGA PAGKAIN AT MGA INUMIN
Ang Bagong Tipan ay walang mahigpit na kautusan tungkol sa kung ano ang kakainin o iinumin ng mga Kristiyano (maliban sa matatapang na inumin). Wala tayong karapatang hatulan kung ano ang kinakain o iniinom ng ating kapatid. Basahin Roma 14:2-3, 17; 1 Corinto 8:8; 1 Timoteo 4:1-5.

SA SABBATH

Ang pagtupad ng Sabbath ay kailangan sa kautusan ng mga Hudyo at sa gayon ay hindi ipinagpatuloy sa panahon ng biyaya. Ang Linggo ay hindi Sabbath subalit ito lamang ay isang araw na itinakda upang magbigay ng natatanging pansin sa pagsamba sa Dios. Sa halip na araw ng Sabbath lamang ang dapat gawing banal, kinakailangan na ingatan natin na tayo ay maging banal araw-araw. Ang Sabbath ng mga Hudyo ay isang halimbawa ni Cristo, na Siya ang kapahingahan natin, sa halip ang araw. Tingnan Hosea 2:11; Roma 14:5, 6; Colosas 2:16, 17.

LABAN SA PAGSUSUOT NG GINTO PARA PALAMUTI o paggagayak gaya tulad ng mga singsing, mga pulseras, mga hikaw, mga kuwintas, at iba pa. Ang mga plamuting ginto o iba pang mga mamahaling mga metal ay mga katibayan ng isang pusong mapagmataas at hindi dapat sa isang anak ng Dios. “Na ang kanilang paggagayak na tinitirintas ang buhik, at ang pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; kundi ang pagkataong natatago sa puso ng tao, na iyan ay walang kasiraan, kapareho ng maringal na damit ng isang maamo at payapang espiritu, na may malaking halaga sa paningin ng Dios,” 1 Pedro 3:3, 4. Basahin 1 Timoteo 2:9; 1 Juan 2:16.

LABAN SA PAGSAPI SA MGA KAPISANAN

Ang Bibliya ay laban sa mga tao ng Dios na nakikisalamuha at umaayon sa mga hindi mananampalataya; ito ay laban sa mga gawaing ginagawa sa lihim. Maraming lihim na mga kapisanan na kailangan ang isang panunumpa, na sadyang ipinababawal sa mga Kasulatan. Basahin Mateo 5:34; Juan 18:20; 2 Corinto 6:14-17; Santiago 5:12.


LABAN SA PANUNUMPA

Ang pagsumpa ay isang walang kabuluhang bagay at ipinagbabawal ng Banal na Kasulatan. Ang pagpapahayag ng katotohanan sa anomang bagay ay sapat na. Basahin Mateo 5:34-37; Santiago5:12.


LABAN SA PAGHIHIWALAY AT KASALANANG PAG-AASAWANG MULI

Ang paghihiwalay at pag-aasawang muli ang bumubuo ng kasalanang pangangalunya. Ang dahilang pinahihintulutan lamang sa pag-aasawang muli ay ang pakikiapid at kamatayan. Gayun paman, ang pakikiapid ay hindi pagtataksil o karaniwang pangangalunya, kundi ito ay ang pag-aasawa sa asawa ng iba. Tingnan Mateo 5:32; 14:3, 4; 19:3-12; Marcos 10:12; Lucas 16:18; Roma 7:2, 3; 1 Corinto 5:1-5, 13; 6:9, 13, 16-18; 7:2, 10, 11; Gawa 15:28, 29; Pahayag 2:20-22.


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com