Patotoo
Purihin ang DIYOS, sapagkat tunay nga pong napakabuti niya sa ating mga buhay. Salamat po sa pangunguna ng kanyang BANAL NA ESPIRITU na kung saan ay naging matagumpay pong natapos ang kanyang gawain noong DISTRICT 3 CONVENTION na ginanap sa TORREL, ODIONGAN noong nakaraang Oktubre 20-21, 2007. Ako po ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa ating PANGINOON, sapagkat sa pasimula po ng aming convention, ay naramdaman po namin ang pagkilos ng kanyang BANAL NA ESPIITU, at ang bawat isa po ay napagpala.
Nais ko pong – itestify sa inyo ang mga kabutihang ginawa ng ating DIYOS sa aking buhay noong Convention, sobrang kagalakan po ang aking naramdaman habang ginagawa po namin ang water baptism na ginanap noong Oktubre 21, huling araw po ng aming Convention. Ako po ay ay sa sa mga gumanap ng water baptism, firtst time ko pong maranasan ang magpabautismo sa tubig. Noong ako po ay nananalangin bago ilubog sa tubig naramdaman ko po ang pagkilos ng kanyang BANAL NA ESPIRITU, at noong pagkaahon ko mula sa tubig ay naroon po ang kasiyahan sa aking puso. Ang sarap po pala ng pakiramdam matapos mabautismuhan, nararamdaman ko po ang unti-unting pagbabago ng dati kong pagkatao, at feeling ko rin po ay nawala na ang lahat ng aking mga kasalanan sapagkat lahat ng iyon ay inalis na ng ating PANGINOON at ngayon ako po ay isa nang bagong nilalang. Salamat sa PANGINOON sa isang magandang pagkakataon na ibinigay niya sa akin para magbagong buhay.
Kaya nga mga kapwa ko kabataan ine-encourage ko po kayo na patuloy po tayong magpagamit sa ating PANGINOON, masarap po ang buhay ng isang kabataan na patuloy na nagpapagamit sa ating DIYOS. Gawin po natin ang mga bagay na nais niya para sa ikabubuti natin at sa ikalulugod din ng ating PANGINOON.
TO GOD BE THE GLORY!!!
Nelcris Gregorio
Odiongan, Romblon
-oOo-
Kabataan; Nasaan ka Ngayon?
Nuon at ngayon laging bukambibig ng karamihan na ang kabataan ay siyang pag-asa ng bayan. Ngunit nasaan na ba ang mga kabataan ngayon? Nasa landas ba sila ng kaginhawahan, kapayapaan at tagumpay? O nasa landas na patungo sa liku-likong daan?
Sa ating pagtawid sa ilog ng buhay bagamat mahirap at mapanganib, dapat taglay natin ang katatagan at lakas ng loob na nagmumula sa Diyos upang ating makamit ang masaya at masaganang kinabukasan. Ngunit paano kung lugmok na tayo sa masasamang bisyo at makamundong gawain? Hindi lingit sa ngayon na ang ilang kabataan ay nagiiba na ang patutunguhan, dala ng mabibigat na impluwensiya ng midya at makabagong teknolohiya na siyang unang dahilan upang sila’y madala sa maling agos ng panahon.
Kabataan – saan na kaya tayo patutungo? Kung tayo’y mga modelo na dapat tularan ay tayo pa ang nagbibigay ng masamang impluwensiya. Saan ba tayo kukuha ng lakas upang tayo’y maging matatag sa pagsuong sa mapanganib na landas ng buhay?
Kabataan; tayo’y lumabas na sa pinto ng kadiliman at atin ng iwasan ang mga maruruming gawi, simulan na nating magpunla ng kabutihan. Salubungin natin ang bagong sikat ng araw ng buong tapang at puno ng pag-asang nagmumula sa Diyos. Huwag tayong manghihina dahil napakabuti ng Diyos. Hinding hindi niya tayo iiwan kaylan man. Lagi siyang andyan, kumakatok sa ating mga puso, walang sawang naghihintay na siya’y ating papasukin at pahintulutang maghari sa ating buhay. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. Now is the time for us to let the Lord reigns in our life. Kay sarap mabuhay sa piling ng Panginoon. Huwag nating hayaan na ang mga problema at kabiguan ang siyang magiging hadlang sa ating paglilingkod sa kanya. Always remember that GOD never leave his sons in the midst of problem and trials. Ang Panginoon ang ating pinakamatibay na sandigan. Gaano man kapanganib ang ating tatahakin kung tayo’y susunod sa Kanyang kagustuhan, hinding hindi niya tayo pababayaan.
Kaya mga kabataan, sama-sama nating purihin at paglingkuran ang Panginoon. This is now the time!!!
To God be the glory!
Ruth Joy Doctolero
VLB – Sta. Teresita, Cagayan